Linggo, Agosto 25, 2013

Libing

                         Tok-tok-tok. Naulinagan ko na. Paparating na siya. Kailangan ko na maghanda.

                         Ako ay isang photographer. Saan man ako pumunta, malayo man o malapit, lagi kong bitbit ang aking camera. Hindi ko hahayaang ang mga mata ko lang ang mabusog sa nakikita ko, nais ko itong ibahagi sa iba sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato. Klik!


                            Paru-paro. Dagat. Bukang-liwayway. Bulaklak. Alapaap. Mga imprastraktura. LAhat ng iyan hanggang sa kaliit-liitang bagay na hindi napapansin ay perpekto sa aking paningin. Ang mga bagay na nagbibigay ng panandaliang kakuntentuhan at kasiyahan sa batang tulad ko.

                          Ngunit, sa dinami-dami ng nakalagak sa ating mundo, ang aking paboritong kunan ay tao.
                           
                          Oo, tao. Lalo na ang sarili ko.

                           

                           Punta ng SM. Klik. Pupunta sa Baguio. Klik. Pumunta sa Aurora. Klik. Nabungi ang ngipin. Klik. Unang araw sa eskwela. Klik. Nadagdagan ang pilikmata. Klik. May logo ni Superman. Klik.


                               Klik. Klik. Klik. Walang katapusang klik. Mapaselfie, jumpshot, look-up, lookdown. Basta litrato ang usapan, tatakbo ako upang ngumiti at magpose.

                    
                                Sa dinami-dami ng taong nagbabalat-kayo, ila'y nananatili at ila'y hindi nakatatagal, mayroon akong natuklasan na gumuhit sa kaibuturan ng aking puso. Naiinis na ang mga kaibigan ko sa pagkahilig ko sa litrato.

                                Sobra na raw kasi. Sobra na.

                                Matapos humiwalay ng langis sa tubig, lumbay ang dumagok sa akin. Hindi naging makatarungan ang paghatol nila sa akin. Ano ba ang nakaiinis sa pagkahilig sa litrato.

                                Para ka kasing bata, sabi ng kaibigan ko.

                                Oo, inaamin ko na parang bataa ako--madaling maantig sa maliliit na bagay na aking nasisilayan, ngunit hindi naman ako isip-bata na hindi sumasaya para sa kasiyahan ng kanyang kapwa.


                                 Kung maiintindihan nyo lang...

                                 Ako si Anna. Isa ako sa labindalawang milyon na nakikipaglaban sa sakit na kanser. Nalaman ko ito nang ako'y sampung taong gulang na. Ito ay malala na at baka bukas o makalawa, ako'y nasa langit na. Iyan ang sabi ng doktor. Ngunit kahit may taning na ang buhay ko, klik pa rin ng klik!!

                                Sa kasalukuyang saglit, nakakalbo na ako. Klik. Nauubos na ang dugo ko sa labi. Klik. Nagbabago na ang kaanyuan ko. Klik!

                               Klik. Klik. Klik. Hindi ako magsasawa sa tunog na ito. Magsasawa siguro ako kapag lumipad ang sangkabakahan.

                             Dear camera,
                                                   Mamamatay na raw ako. Mamimiss kita nang sobra. Ikaw itong nakauunawa at sumama sa akin sa mundong malalim ang kaligayan, sa mundong hindi natutuwa sa mababaw kong pangarapin at kaligayahan. Isa lang naman ang hiling ko--kapag tuluyan na akong pumanaw, kuhanan mo ako sa suot kong gown sa aking kabaong, 'yung magandang anggulo, at gusto ko kita ang buong katawan. Kuhanan mo rin ang mga makikipaglibing para naman may remembrance sila. Iyon lamang, mamimiss kita. Salamat sa mga alaala at sa pagkuha ng aking mg alalala. Mahal na mahal kita.


                                P.S. Ipunin mo ang aking mga litrato, ilagay mo sa powerpoint presentation na tribute sa akin kapag inilibing ako ha.

                                 Sa pagtalon ng maraming tala, may dahilan pa rin ang lahat. May dahilan ang bawat klik na kumikiliti sa aking kaluluwa. May dahilan kung bakit mahilig sa litrato at iyon ay dahil sa libing ko. Gusto ko, maganda ang presentasyon sa araw na ako'y ihihimlay, sa pinakahuling araw na makikita ninyo ako sa inyong buhay. Ang araw na pinaghandaan ko sa buong buhay ko.

                                Maiksi lang kasi ang aking buhay kaya isinalin ko na ang lahat sa litrato. Pasensya sa mga taong ayaw sa ideya ko, sa mga taong nabangga ng paghahanda ko.
                                
             
                           
                         
                                          



    

                 Tok-tok-tok. Kumakatok na ang kamatayan. Punta ka sa libing ko ha at litratuhan mo ako. :)






Sabado, Agosto 24, 2013

We are not yet done.

My inspiration. Sagradan Penpushers.

My Insights about Tuesdays With Morrie

                         

            “Because if you've found meaning in your life, you don't want to go back. You want to go forward.”
            This quotation changed my perception about the meaning of life. I told myself that I should try to forget all the bad things that occured to me because the future awaits a better chance for us. We are molded with our past and motivated with our present so that as the future beckons, we are ready. We always want to go back and fix the mess, but the real thing is, learning from our mistakes hone us to be the best person. We should accept the past for what it is without discarding it because at one point, the past is the reason of what we are now and why are we still here.
         The true meaning of our life is how we ready ourselves with the future—with death.



         Life goes on with or without the things that you want. You go, laugh, cry, strive, find, lose, detach, devote, move on, learn, let go, win, lose, try, sacrifice, surrender, and finally, you die. Death is an inch away if you don’t know how to live life. Everything is impermanent; everyone is impermanent so we should take all the risks in order to have a happy and productive life. We shouldn’t be stuck into the things that will waste its precious time because one day, regrets would welcome us as we die. We are given life by God, our challenge is to make it alive by having a purpose and learning how to love.           


        Death, therefore, is the key to having life. 

Linggo, Agosto 18, 2013

Sa Wakas

                     Naaalala ko pa ang mga araw na iyon--ang mga araw na kami pa ang magkasama.

  
                       Natuwa ako nang isinilang ka. Sa wakas, may mag-aalaga na sa akin at may aalagaan na rin ako, iyan pa nga ang nasabi ko. Sa mga unang araw mo sa mundong ito, hindi mo ako napapansin, tila alikabok pa lamang sa iyong paningin. Hindi ako nalungkot, 'pagkat alam ko napagdating ng araw, ako ang isasama mo sa iyong mga lakbayin.

                       Tatlong gulang ka na at pumapasok na sa eskwela. Sa wakas, ako ay iyo nang makakasama. tinuruan kita sumulat ng abakada at ang mga magulang mo'y kasiyahan ang nadama. Marahil, kung kaya kong umalon ay naabot ko na ang alapaap sa sobrang saya. Dahil sa wakas, ako ay iyo nang nakilala.

                       Isa ako sa naging saksi ng iyong paglaki. Saan ka man tumungo ay kasama mo akong parati. Naroon ako nang matuto kang gumuhit ng bilog, nang gumawa ka ng liham para sa iyong iniirog, nang naisulat mo ang tula na ipinasulat ng iyong maestra, at nang matuto kang humanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng paglalathala.

                        Hindi kita iniwan.

                        Matapos nang libo-libong paghihintayan ng araw at buwan, nakita ko na lamang ang aking sarili na mag-isa sa iyong kwarto. Dumungaw ako upang hanapin ka.

                         Nakita kita na may kasama nang iba.

                          Hanggang sa mabulok na ako sa iyong kwarto. Naiinip. Tuliro. Di makasabay sa agos ng buhay. Ang oras ay patuloy na tumatakbo ngunit hindi mo pa rin ako binabalikan. Ang huling balita ko, mayroon ka ng asawa at kayo ay may supling na. Sabi nila, mataas na ang antas mo sa buhay.

                          Ikaw daw ay isang ganap ng manunulat. Sikat at tinitingala ng lahat.

                          Naaalala ko pa ang mga araw na iyon-- ang mga araw na tayo pa ang magkasama. Magkahalong kape at asukal ang aking nalasap. Nakilala mo na nga ang mga panulat na may tinta at nakadama ako ng selos, ngunit sa bandang huli, napagtanto ko na sila ang nagturo sa'yo kung paano magkaroon ng mga konkretong desisyon--mga desisyong hindi na mababago, hindi na mabubura. Mga desisyong kailangan sa giyera ng buhay. Sila ang nagpatuloy ng misyon ko sa'yo, ang tulungan kang iguhit ang kinabukasan mo.

                         Salamat sa kanila. Salamat.

                         At ngayon, dinampot ako ng anak mo mula sa silid mo. May matutulungan na naman ako, subalit sa pagkakataong ito, hindi n aako magiging maramot sa kanya, hindi tulad ng ginawa ko sa'yo.

                         Sa wakas, ako naman ang may natutunan. Salamat sa iyo. Ako ito, ang kapirasong kahoy na gumuhit sa buhay mo. Kilala mo pa kaya ako? Ngunit, kahit na hindi, tandaan mo: ikaw pa rin ang alaga kong paborito.





Lunes, Hulyo 1, 2013

Kinakalawang na Riles



                               Ako ay nakakulong sa isang tren. Bumabagtas ito sa kinakalawang na riles. Nakikita ko ang isang bagong umagang parating. 
Sa nakagapos kong isispan, hindi ko maramdaman ang lahat ng iyon...pati na ang sarili kong katauhan...walang saysay...walang buhay.

ffotoku.info


                        Ang buong buhay ko ay ginugol ko sa pag-aaral. Ikaw ang magdadala sa amin. Iyan ang bukambibig ni Inay. Mula kindergarten hanggang hayskul, ako ang nangunguna. Walang sinumang nangangahas na pantayan ang aking galing. Ako ang pinakamagaling. Walang makatatalo sa akin, wala nang iba  pa, walang magbabago.

                        Sa pagtuntong ko sa nakatatakot na buhay-kolehiyo, ako ang hinirang na summa cum laude   . Tuwang-tuwa ang aking inay at mga nuno. Ako ang pinakabata sa lahat ng mga nagtapos ngunit ako pa rin ang pinakamagaling, wala nang iba, walang magbabago...




                          Gumanda ang buhay ko. Nagkaroon ako ng magandang trabaho. Kamakailan, ang aking ranggo ay umangat sa pagiging isang chief executive officer ng isang kompanya. nang ako'y makaipon na, nagbitiw ako sa aking tungkulin at nagtayo ng isang negosyo, nag-asawa at nagkaroon ng isang supling. Nagtrabaho ako araw at gabi. Halos hindi na nga ako umuuwi para lamang maibigay sa aking mag-ama ang lahat. Ako pa rin ang pinakamagaling na ina, wala nang iba pa, walang magbabago...

                         Isang araw, sa aking paggising, wala na sa aking tabi ang aking anak at ang aking kabiyak. Nasaan sila? Nakita mo ba? Tiningnan ko ang isa pang kwarto, wala rin ang aking ina. Nasaan?! Saan sila pumunta?

                         Sa ilang taon na paghahanap, natagpuan ko ang aking sarili sa isang karinderya. May telebisyon doon kaya nakinood ako. May isang Pinay daw na binitay sa ibang bansa. Flor Contemplacion ang pangalan. Naiwan niyang naliligo ang alaga niya kaya nalunod. Naisip ko, parang ako pala siya, dahil sa paghahangad ng magandang buhay para sa sarili at pamilya ay nagtrabaho at nagsikap. Sa kasawiang palad nga lamang, napabayaan ko rin ang aking alaga, ang aking pamilya, ang aking buhay.. Akala ko ba ako na ang pinakamagaling? Bakit nagkagayon ang lahat?

                           Bakit? Saan ako nagkulang?

                           Ako ay nakakulong sa isang tren. Bumabagtas ito sa kinakalawang na riles. Nakikita ko ang isang bagong umagang hindi ko man lamang maabot. Marahil, malayo man ang destinasyong nais kong marating, kailangan ko munang bumaba sa aking kulungan, sa aking tren. Sana, sa pag-akyat ko muli rito, ako ay iba na. Kahit na mahirap, pipilitin kong magpakababa. Kahit na mahirap, hahanapin ko angaking tunay na galing, ang aking tunay na lakas, ang aking tunay na pagkatao.

                          Sa ngayon, binabagtas ko ang isang buhay na payapa kung saan hindi ako pinakamagaling. Umaasa na sa paggising ko, nariyan na ang mga matagal ko nang hinahanap, ang aking presensya, at ang aking pamilya.

flickr.com





My Rejected Essay

                     I want to color this nation with the same colors.

                     Change is the only constant thing in this world and everybody knows that. Each of us has the power to change, but my power is definitely the oddest among the odds.

                      Our native land, Philippines, suffers from different hindrances to have a better home. Some of these are corruption, pollution, political dynasties, addiction to drugs, and the occurrence of numerous crimes everyday. The problem is we, the good citizens of the country, add another block of hindrance by depriving ourselves from an optimistic thinking.

                     Flipping the paper on its opposite side, the Earth was created with God's passion, including our homeland. We have Boracay, Palawan, Bohol, Baguio, and many other beautiful places to go to, not to mention those several hidden sanctuaries. to make the novel short, Philippines is perfectly beautiful in its own way. Never mind those dramatic scenarios, minding them would again, add another hindrance against progress.

                  So, if I were to be asked of what would I like to change about this nation, I have one answer: to change the minds of the people living here and pull out the concept of changing our own country.

                 Don't we see? we have grown tired of aspiring for a better nation. we want to live like Americans. We adapt their culture and even their appearances. We never realized that where we are is different from where they are.

                Satisfaction. That is the main key.

                 Crimes are everywhere. political issues dominate us. yet, all of the things simply come and go. sooner or later, they'll disappear. I don't say that we shouldn't mind those bad things, what I want is for all of us, the Filipinos, be united and see the magical things in this land. That is, contentment, satisfaction.

                 I repeat, change is the only constant thing in this world. If it is constant, then why forge change? Just let it be and it will be. 

                I want to color this nation with the same colors, regardless of the black spots that you see.